Naobserbahan ng Barangay Camaman-an na bumaba ang dagsa ng mga taong dumalaw sa City Memorial Park sa Bolonsori sa unang araw ng pagdiriwang ng Undas.

Ibinunyag ni Barangay Kagawad Alicia Cabili na batay sa datos sa alas-11 ng umaga kagahapon, umabot lamang sa 7,500 ang nakapasok na mga bisita sa sementeryo.

Ipinaliwanag ng opisyal na mas kaunti ito kung ikukumpara noong nakaraang taon dahil sa biglaang pag-ulan at dahil karamihan sa mga tao ay dumalaw na noong Oktubre 30 at 31.

Bunga nito, nagreklamo rin ang mga nagtitinda sa loob at labas ng sementeryo dahil sa kaunting kinita.