Kinumpirma ng pamunuan ng Barangay Camaman-an na zero incident o aksidente ang naitala sa loob ng Bolonsori Memorial Park simula kagahapon.
Ibinunyag ni Barangay Kagawad Alicia Cabili na payapa at maayos ang buong seguridad sa loob ng sementeryo habang naka-standby rin ang kanilang medical team.
Ipinaliwanag ng opisyal na ang pangunahing nangyaring health concern ay ang pagtaas ng blood pressure ng ilang senior citizen at kabataan dahil sa init ng araw sa umaga.
Hiningi ng pamahalaan ng barangay sa mga dadalaw ngayong araw na magdala ng payong at tubig upang hindi ma-dehydrate o atakihin ng altapresyon.











