Nilinaw ng CLENRO ang takbo ng paglilipat sa mga nakuhang kalansay sa Bolonsori City Memorial Park. Batay sa datos ni Engr. Primo Revilla III, umabot sa 34,216 na labi ang na-exhume sa sementeryo kung saan mahigit 19-libo na rito ang naipwesto sa columbarium at multi-level burial.

Ipinaliwanag ng opisyal na nakatulong nang malaki ang naturang condo-type system upang maging mabilis at maayos ang pagdalaw ng mga kabanay nitong nakaraang Undas.

Nananatili rin na bukas ang kanilang Admin Office para sa mga pamilyang nais pang humingi ng code at lokasyon ng kanilang mga yumaong mahal sa buhay.