Tiningnan ng City Environment and Natural Resources Office ang epekto ng ipinatupad na disiplina sa basura sa loob ng mga sementeryo sa Cagayan de Oro sa natapos na Undas.

Ipinahayag ni Engr. Primo Revilla III na isang malaking tagumpay ang pagbabawal sa pagtitirik ng kandila sa tabi ng mga pantyon dahil nakaiwas ito sa peligro ng sunog at napanatiling malinis ang mga lapida.

Itinuro ng opisyal na nakatulong din ang mga inihandang centralized dagkotanan at libreng water refilling stations para sa mga nagdala ng tumbler. Dahil sa naturang sistema, napanatiling maayos at walang nag-ipong basurang plastik sa buong sementeryo.