Nangkasa na ng mga gabay at precautionary measures ang City Health Office laban sa mga sakit na posibleng lumitaw dahil sa Super El Niño sa Cagayan de Oro.

Ipinaliwanag ni City Information Officer Jade Adeser na nakipag-ugnayan na ang City Health Office sa City Information Office upang mabilisang ipagkalat ang mga health advisory ukol sa heat-related illnesses.

Binitiwan pa ng opisyal na kabilang ang City Hospital sa naghahanda sa mga emerhensya lalo na sa pagtaas ng blood pressure ng mga senior citizen at iba pang komplikasyon sa balat at katawan.

Dahil dito, nanawagan ang LGU sa publiko na magtulungan sa pamamagitan ng pag-subaybay sa balita, paghahanda sa tahanan, at pagpapanatili ng kalusugan ng katawan sa panahon ng krisis.