Nakatali ngayon sa US Midterm Elections ang kinabukasan ng pamamahala at ang takbo ng mga batas sa Estados Unidos.
Ayon kay Bombo International News Correspondent sa Washington D.C. na si Jimboy Chaves sa kanyang panayam sa Bombo Radyo, malaki ang epekto ng naturang halalan dahil pipiliin ang 435 na upuan sa House of Representatives at 35 na upuan sa US Senate.
Dugtong pa ng correspondent na ang lalabas na resulta ang magtatakda kung aling partido—sa pagitan ng Democrats at Republicans—ang hahawak sa kontrol ng pag-apruba sa spending budget at mga pambansang batas.
Bunga nito, itinuro rin na malaking senyales ang naturang halalan sa pagrasa ng popularidad ng pamumuno ni US President Donald Trump sa gitna ng tumaas na presyo ng mga bilihin sa kasalukuyan.











