Isinusulong ngayon ng pangkat ng mga kasambahay ang mas malinaw na alituntunin ukol sa walong oras na working hours at ang pagpapatupad ng kanilang social security at long service incentive mula sa mga amo.

Ipinahayag ni Himaya Montenegro ng Pinay Careworkers Transnational, na kung nakapagbigay ng halaga at atensyon ang ibang bansa tulad ng Hong Kong sa pamamagitan ng separation pay at paborableng benepisyo sa mga migrant worker, kinakailangan ding ipakita ng gobyerno ng Pilipinas ang pagbibigay ng karangalan at halaga sa sariling mga domestic worker.

Dugtong pa ni Montenegro, kabilang sa isinusulong sa mga probisyon ay ang pagtiyak sa pagsusuri at inspeksyon sa mga tirahan upang makamit ang ligtas na trabaho at maputol ang harassment laban sa mga katulong.