Hinimok ng labor group na Sentro ng mga Nagkakaisa at Progresibong Manggagawa ang gobyerno na magpondo para sa paglikha ng mas maraming trabaho.
Ipinahayag ni SENTRO Secretary General Joshua Mata na hindi na sapat ang ekonomiya ng bansa upang masalo ang mga bagong nagtapos kung saan pito sa bawat sampung walang trabaho ay mga kabataan.
Ipinaliwanag ng lider ng mga manggagawa na hindi pwedeng umasa lamang ang pamahalaan sa mga pribadong negosyante para sa mga kabuhayan.
Ayon kay Mata, obligasyon ng mismong gobyerno ang paglikha ng mga direktang oportunidad at trabaho para sa taumbayan.











