Nawa’y nakakuha ng malaking aral ang mga Pilipino sa resulta ng US midterm elections kung saan naipagtanggol ng mga botante ang kanilang prinsipyo, ayon kay dating Cagayan de Oro City Mayor at Law Professor Oscar Moreno.

Ipinaliwanag ng dating alkalde na isang magandang halimbawa ang tagumpay ng Democrats laban sa pagtanggi ng mga Amerikano na masilaw sa alok na malaking salapi at mga pasikat na pangako sa politika.

Dugtong pa ni Moreno na sa bawat pagbebenta ng boto, hindi lamang salapi ang pinag-uusapan kundi ang mismong kinabukasan ng bansa at ang sovereign power ng taumbayan.

Kaya naman ipinaalala ng abogado na nararapat itong kapulutan ng aral ng mga botanteng Pilipino upang maprotektahan ang tapat na pagpili ng lider sa bansa.