Binatikos ng election watchdog group na NAMFREL ang sinasabing “insertions” at pagbuhos ng ayuda sa Local Government Support Fund para sa 2027 budget.
Nagpahayag si NAMFREL Secretary General Eric Alvia na malinaw na nagkakalaki ngayon ang pondo ng mga barangay at SK matapos palawigin ang kanilang termino sa pwesto.
Ipinaliwanag ng opisyal na kinakailangang hindi lamang sapat na tanggapin ng komunidad ang mga ayuda, kundi suriin kung tama ba ang paggastos sa pondo.
agbabala si Alvia na delikado kung gagamitin lamang ang pera ng pamahalaan upang paboran ang mga nakapwestong opisyal imbes na itulong sa taumbayan.











