Nilinaw ng geopolitical expert na si Professor Lucanus Azrael Igot na walang katotohanan ang mga paniniwala na humina o ni-weaken ang US dollar matapos lumabas ang resulta ng US midterm elections.

Sinabi ng eksperto na naging mas affordable lamang o madaling mabili ang dolyar na isang magandang oportunidad para sa mga bansang tulad ng Pilipinas.

Dugtong pa ni Igot na malaking tulong ito sa pagbili ng mga imported na bilihin at batayang pangangailangan mula sa labas ng bansa kabilang na ang langis mula sa Middle East.

Kaya naman tiniyak ng eksperto na ang pagiging affordable ng dolyar ay magbibigay ng mas malawak na kapasidad sa pagbili ng mga produktong ginagamit sa araw-araw na ekonomiya.