Itinuro ng pamunuan ng Masa Sara Duterte Alliance na si Ben Ranque ang mga komunistang grupo at ang Makabayan Bloc na siyang utak sa panggigipit na matapos at ma-impeach si Vice President Sara Duterte bago mag-Disyembre.
Naniniwala umano si Ranque na walang kahit anong kasalanan ang Bise Presidente at sapat lamang na sagutin ng depensa ang mga akusasyon ng prosekusyon sa impeachment trial upang magdala ng katotohanan sa publiko.
Ayon sa lider, ginawa ito ng mga anti-Duterte dahil alam nilang hindi nila matatalo ang Bise Presidente sa eleksyon.
Mula rito, ibinunyag din ni Ranque ang kanyang duda na kung magtatagumpay ang pagpapabagsak sa Bise Presidente, ang administrasyon naman ni President Ferdinand Marcos Jr. ang kanilang isusunod na ibabagsak.











