Nakasalalay pa rin sa takbo ng politika at hindi lamang sa teknikalidad ng batas ang pagpapatalsik kay Vice President Sara Duterte sa katungkulan, kahit pa man mapatunayan ang isyu ng conflict of interest laban sa kanya!
Ito ang pinanindigan ni dating Cagayan de Oro City Councilor Atty. James Judith kung saan ipinaliwanag niya na ang impeachment proceeding ay binubuo ng walumpung porsyentong politika at dalawampung porsyento lamang na batas.
Ayon kay Judith, ang pinakamalaking tanong ngayon na dapat timbangin ng mga Senator-Judges ay kung ang naturang paglabag sa saligang batas ay sapat na bang batayan upang tanggalin sa pwesto ang bise presidente.
Kaya naman iginiit ng abogado na habang nagpapatuloy ang debate ng mga testigo at dokumento, ang pampolitikang paninindigan ng mga hurado pa rin ang magdidikta sa kahihinatnan ng paglilitis.











