Pinutol na ng bagong administrasyon ng Misamis Oriental General Comprehensive High School (MOGCHS) ang kontrata para sa mamahaling Radio Frequency Identification (RFID) card at naglabas na ng libreng identification card para sa lahat ng estudyante.
Ayon kay Alumni Association President Attorney Armie Jean Borje, iniutos ng bagong punong-guro na si Alma Y. Pacamalan ang pagpapatigil sa naturang sistema alinsunod sa polisiya ng Department of Education na nagbabawal sa mga bayarin sa mga pampublikong paaralan.
Ipinahayag ni Attorney Jean na ang paaralan na mismo ang gumastos mula sa sariling pondo at bumili ng kagamitan sa pag-iimprenta upang makatipid at matiyak na walang babayaran ang mga mag-aaral.
Sa kabila nito, pinahintulutan pa rin ng paaralan na magamit ng mga estudyante ang lumang card na nabayaran na upang hindi masayang ang nagastos ng mga magulang.











