Nasayang ang pagkakataon ng Pilipinas na makakuha ng ayuda at suporta mula sa mga karatig-bansa dahil sa pagtatakip ng administrasyon sa mga mahihirap na lugar sa Metro Manila sa gitna ng ASEAN Summit.
Kahit tinakpan ng pader ang mga tirahan ng mga mahihirap, alam na nang maaga ng mga dayuhang lider ang totoong kalagayan ng bansa sa pamamagitan ng datos mula sa kanilang mga tagapayo, paliwanag ni Ateneo de Davao University Political Analyst Professor Ryan Maboloc.
Imbes na magkunwari sa harap ng mga bisita, mas mabuti sanang ipinakita ang totoong sitwasyon ng mga Pilipino upang makita ng mga lider sa rehiyon kung saan makatutulong sa pagpapaunlad ng kabuhayan ng taumbayan.
Ang pagtatago ng katotohanan ay nagpapakita ng mababaw na pamamahala at maling pamantayan sa tungkulin ng Pilipinas sa ASEAN, pagtatapos ng analyst.











