Isang malaking talking club lamang na walang konkretong benepisyo sa ekonomiya ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) kahit pa sa 22 bilyong pisong ginastos ng gobyerno para sa pamamahala nito.

Inilarawan ni Economist Joey Pelaez na bukod sa 30 araw na visa-free travel sa loob ng rehiyon, wala nang naramdamang direktang kapakanan ang mga Pilipino mula sa naturang pagtitipon.

Nabigo pa nga ang naturang samahan sa pagresolba sa hidwaan sa hangganan sa pagitan ng Thailand at Cambodia pati na rin sa pagpapalaya kay Aung San Suu Kyi mula sa military junta sa Myanmar, dagdag ni Pelaez.

Maling tiyempo ang sobrang marangyang pag-host ng bansa habang nagdurusa ang taumbayan sa pinakamahirap na kalagayan sa ekonomiya.