Walang nakitang magandang bunga ang grupo ng mga guro sa mahabang panahon ng pakikipagkaibigan ng Pilipinas at Estados Unidos dahil hindi talaga binigyan ng pagkakataon ang bansa na umunlad.
Binigyang-diin ni Alliance of Concerned Teachers Northern Mindanao Coordinator Roland Cruz na nanatili lamang tapunan ng mga sobrang produkto at second-hand na gamit mula sa Amerika ang Pilipinas imbes na payagang makapagtayo ng sariling industriya.
Ipinaliwanag ni Cruz na nahihirapan ang pag-unlad ng ekonomiya sapagkat ang mga lider ng bansa ay patuloy lamang na umaasa at nagpapailalim sa dikta ng Estados Unidos.
Nilinaw ng lider ng mga guro na mananatiling mahirap ang mga Pilipino kung hindi ititigil ang naturang sistema na ginagawa lamang ekstensyon ng merkado ng mga Amerikano ang bansa.










