Umakyat na sa limampu hanggang animnapu ang bilang ng mga bagong dating na Badjao na nanlilimos sa lansangan ng Cagayan de Oro kumpara sa lima hanggang sampu lamang bawat linggo noon.

Ipinahayag ni CSWD Oro Response and Processing Center Officer Cherikhawa Khawa Paña na patuloy ang paalala ng naturang tanggapan sa naturang grupo na bawal ang easy money sa pamamagitan ng panlilimos dito sa lungsod.

Binigyang-diin ni Paña na hinimok ng lokal na pamahalaan ang mga bagong salta na bumalik na lamang sa pinanggalingang lugar kung hindi marunong magtinda o magnegosyo.

Nilinaw ng opisyal na mahigpit ang pagbabantay ng CSWD at kapulisan upang hindi na dumami ang mga pulubi sa lungsod lalo na sa nalalapit na panahon ng kapaskuhan.