Pinangambahan ng grupong Gabriela na batas ng Estados Unidos at hindi batas ng Pilipinas ang ipatutupad sa loob ng mahigit 1,600 ektaryang lupain na sakop ng Pax Silica.
Ipinahayag ito ni Gabriela Women’s Party Representative Dr. Jean Lindo kung saan iginiit na kahit ang mga krimeng magaganap sa loob ng naturang lugar ay hindi maaaring isampa dito sa lokal na korte ng bansa.
Paliwanag ni Lindo, mapipilitan ang isang katutubo na dumulog pa sa hukuman ng Amerika upang makakuha lamang ng hustisya sa ilalim ng sinasabing kasunduang tatagal ng 99 na taon.
Inilarawan ng lider bilang isang extractivist na sistema ang naturang proyekto na hahakot sa kalikasan, lakas-paggawa, at ekonomiya ng bansa nang walang balik sa mga may-ari ng lupa.











