Tatanggapin at aaksyunan ng Department of Labor and Employment Region 10 kahit ang hindi magpapakilala na magsumbong sa kompanyang hindi nagbigay ng 13th month pay, ayon kay DOLE-10 Technical Support Services Division Chief Atheneus Vasallo.
Kahit anonymous na sulat o ulat mula sa mga concerned citizen ay aasikasuhin ng tanggapan upang maiwasan ang pangambang ma-initan o balikan sa trabaho ang mga empleyado.
Uunahin ng ahensya ang pagtawag at paghiling sa establisimyento upang kusang makatupad sa batas bago pa humantong sa inspection at posibleng kaso.
Nanawagan si Vasallo sa mga employer sa Cagayan de Oro at Northern Mindanao na ibigay ang naturang obligasyon upang may ikasaya ang mga pamilya ng mga manggagawa ngayong Pasko.











