Itinuro ni Drieza A. Lininding na nakita sa resulta ng ilang eleksyon sa ibang bansa ang epekto ng paninindigan ng mga lider ukol sa kalagayan sa Gaza.
Ayon sa convenor ng Moro Consensus Group, naapektuhan ang ilang kandidato sa Estados Unidos at Brazil dahil sa isyu ng pagsuporta o pakikipaglaban para sa mga Palestinian.
Ayon sa lider, dumarami ang mga bansang nagpapakita ng pagtutol sa patuloy na opensiba ng Israel sa kabila ng mga panawagan ng international community.
Itinuro din ng convenor na nagpapatuloy pa ang negosasyon sa pagbuo ng mayoryang gobyerno sa Israel at may posibilidad pa ngang umabot sa ikalawang yugto ng eleksyon.











