Nanawagan si Motorela Association President Paul Cempron sa mga pasahero na mag-ulat sa mga opisyal ng terminal kung may drayber na sobra kung maningil ng pamasahe.

Sinabi ni Cempron na hindi pa natatanggap ng kanyang tanggapan ang anumang pormal na reklamo ukol sa pang-aabuso sa paniningil.

Ngunit ipinaliwanag ni Cempron na kinakailangang makilala talaga ang lumabag upang mapatawan ng parusa at hindi madamay ang ibang drayber.

Idinagdag pa ng presidente ng asosasyon na hindi dapat pagsamantalahan ang pagdagsa ng mga pasahero, samantalang inuunawa rin ng grupo ang mga pasaherong kapos sa pamasahe.