CAGAYAN DE ORO CITY – Naniniwala si Tingog Partylist Representative Jude Acidre na mas marami pang pangalan ang lalabas sa imbestigasyon bukod sa sampung pangalan na inilabas ng prosecution sa impeachment trial.

Ayon sa opisyal, kinakailangang sundin pa rin ang mahigpit na patakaran sa paggamit at pag-liquidate ng naturang pondo at hindi maaaring gawing dahilan ang pagiging “confidential” upang makaiwas sa pananagutan.

Dagdag pa niya, nakadagdag sa kanyang pagdududa ang pahayag ng testigo na ngayon lang nangyari na nagkaroon ng confidential funds ang Secretary of Education.

Dahil dito, kinukuwestiyon ng kinatawan kung anong mga aktibidad na may kaugnayan sa national security ang isinasagawa ng Department of Education na lampas na sa kanilang pangunahing tungkulin.