CAGAYAN DE ORO CITY – Kinuwestiyon ni Atty. Vic Rodriguez, convenor ng Hakbang ng MaISUG at dating Executive Secretary, ang plano ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magpalipad ng rocket sa outer space.
Sa panayam, tinawag niya itong “raket” na maihahambing sa mga ghost at substandard flood control projects.
Giit niya, posibleng gawing raket ng administrasyon ang bilyon-bilyong pondo na nagastos ngunit hindi nagbigay benepisyo sa publiko.
Nanawagan siya ng pananagutan sa mga anomalya sa pondo ng gobyerno.











