CAGAYAN DE ORO CITY -Agad na nagpatrolya sa mga kalsada at pantalan ng Cagayan de Oro City ang bagong hepe ng Police Regional Office 10 na si Police Brigadier General Nestor Babagay Jr.

Sinuri niya ang blotter records sa Police Station 5 upang matiyak na mabibigyan ng mabilis na aksyon ang bawat kaso.

Isa sa kanyang prayoridad ang imbestigasyon sa mga insidente na kinasasangkutan ng mga pulis mismo upang masiguro ang pananagutan.

Inutusan din niya ang lahat ng commanders na lumabas sa kanilang opisina at magpakita sa publiko, lalo na sa mga terminal at pantalan.