CAGAYAN DE ORO CITY – Opisyal nang itinalaga si Benedicto Ramiro bilang acting department manager ng Roads and Traffic Administration (RTA) sa Cagayan de Oro.

Pinalitan niya si Engr. Nonito Oclarit na inilipat sa CLENRO. Giit ni Ramiro na ipagpapatuloy ang mga magagandang proyekto ng RTA at maghahanap ng mas epektibong paraan upang masolusyunan ang problema sa trapiko.

Dagdag pa niya, mahalaga ang pakikipagtulungan sa iba’t ibang sektor upang maging matagumpay ang mga programa.

Inaasahan ng publiko na magdadala siya ng bagong direksyon sa pamamahala ng trapiko.

Nanawagan din siya sa mga motorista na makiisa sa mga patakaran para sa mas maayos na daloy ng sasakyan.