CAGAYAN DE ORO CITY – Hindi pa rin nalilimutan ng mga empleyado sa BPO ang mga pangako ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa kanilang sektor.
Gayunman, nananatiling dismayado ang BPO Industry Employees Network dahil hanggang ngayon, wala pa rin silang nakikitang konkretong aksyon sa kabila ng kanilang sunod-sunod na panawagan sa pamahalaan.
Ayon kay Juliter Delda, presidente ng BPO Industry Employees Network (BIEN), sa nagdaang State of the Nation Address (SONA), muli nilang pinaaalala ng BPO Sector ang agarang pagpasa ng Magna Carta for BPO Workers at ang pagtataas ng sahod tungo sa ₱36,000 entry-level living wage, kasama ang mas matibay na proteksyon laban sa AI-driven layoffs, floating status, at kakulangan ng benepisyo.










