CAGAYAN DE ORO CITY – Binigyang-diin ng lokal na historyador na si Nanette Roa ang kahalagahan ng Plaza Divisoria bilang isa sa mga makasaysayang lugar para sa mga bayani ng Cagayan de Oro.
Dito nakahimlay ang mga labi ng mga lokal na bayaning nakipaglaban sa Battle of Agusan sa pamumuno ni Kapitan Vicente Roa. Ipinaliwanag din ng historyador na inilipat ni dating Mayor Apolinar Velez ang mga labi ng mga naturang sundalo mula Agusan patungong Divisoria noong dekada 1930.
Ibinunyag ni Roa na ang lugar na ito ay nananatiling isa sa mga pambihirang huling hantungan ng mga bayaning nagbigay ng karangalan sa kasaysayan ng lungsod.
Nagpapaalala ito sa mga residente tungkol sa malaking sakripisyo ng mga naunang Kagay-anon para sa bayan at sa pag-unlad ng lungsod. Nananatili itong simbolo ng pag-alala at paggalang para sa buong rehiyon ng Misamis Oriental.
Una rito, ginawa ni Roa ang pahayag sa gitna ng selebrasyon ng Heroes Day sa araw na ito.











