CAGAYAN DE ORO CITY – Masagana ang ani ng mga miyembro ng CEFACO sa kabila ng matinding init.

Ayon kay Presidente Jerome Garcia, patuloy na namumunga ang kanilang mga pananim at nakahanda na para sa pag-ani.

Malaking tulong ito sa kanilang kabuhayan dahil may produkto silang maibebenta kahit may epekto ang El Niño.

Umaasa ang grupo na magpapatuloy ang magandang ani para sa kita ng mga magsasaka.