CAGAYAN DE ORO CITY – Handa na ang Commission on Elections para sa Barangay at SK Elections ngayong taon.
Ito ang inihayag ni Atty. Dexter Nagtalon.
Aniya, mas makabubuting maging mabilis ang pagrepaso at pag-imprinta ng mga voters’ list bago ang filing ng COC simula Setyembre 28 hanggang Oktubre 5.
Pinagtibay rin niya ang kanyang posisyon na kahit may banta ng postponement, handa ang ahensya sa election period na magsisimula Setyembre 23.
Pinatupad din ang gun ban at pagbabawal sa ilang aktibidad. Pinangako ng Comelec na hindi masasayang ang oras at pondo sa anumang pagbabago ng iskedyul.











