CAGAYAN DE ORO CITY – Mataas ang pangamba ng Philippine Movement for Climate Justice (PMCJ) Mindanao sa epekto ng planong pagtatayo ng Pax Silica AI-Hub sa New Clark City, Tarlac, na bahagi ng Luzon Economic Corridor.
Ayon kay Pat Jared Pangantihon, Policy and Communications Officer ng PMCJ Mindanao, mas matimbang ang mga panganib sa tao, kalikasan, at ekonomiya kaysa sa ipinangangalandakan ng administrasyong Marcos na “kabilinhon” ng proyekto.
Giit niya, posibleng mapaalis ang mga residente dahil sa paggamit ng gobyerno ng 3,000 ektaryang lupa para sa manufacturing facility. Bukod dito, kuwestiyonable ang dami ng enerhiya at tubig na kakailanganin ng data center araw-araw.
Paalala ni Pangantihon, habang humaharap na ang bansa sa krisis sa langis at mataas na singil sa kuryente, mas inuuna pa ni Pangulong Bongbong Marcos ang pagtatayo ng mga hub na pakikinabangan lamang ng mayayaman, habang napipinsala ang karapatan ng mga katutubong naninirahan sa lugar.











