CAGAYAN DE ORO CITY – Patuloy ang paghahanda ng Commission on Elections (Comelec) para sa Barangay at SK Elections ngayong Nobyembre.
Ayon kay Atty. Dexter Nagtalon, First District Election Officer, naghihintay na lamang sila sa pag-download ng Projected Computerized Voters List at training ng poll workers.
Giit niya na kahit may panawagan na ipaliban ito sa 2028, tuloy ang lokal na preparasyon.
Dagdag pa ng Comelec, mahalaga ang maagang paghahanda upang maiwasan ang aberya sa araw ng halalan.
Inaasahan na magiging maayos ang proseso ng filing ng COC at iba pang election-related activities.
Nanawagan din ang ahensya sa publiko na maging aktibo sa pagboto bilang bahagi ng demokratikong proseso.











