CAGAYAN DE ORO CITY-Napagdesisyunan ng isang construction laborer na kitilin ang kanyang sariling buhay matapos hindi na nakayanan nito na may ibang iniibig ang kanyang kasintahan sa Brgy Nazareth nitong lungsod.

Kinilala ang biktima na si Randy Aculan, 25-anyos na taga Brgy Bayanga sa lungsod.

Sinabi ni Police Master Sergeant Joel Tari, imbestigador ng Nazareth Police Station na pag-big ang tinuturong dahilan na nagpakamatay ang biktima.

Napag-alamang, ipinilit ng biktima na makipag-relasyon sa babaeng may kasintahan na.

Nakita na lamang ito na wala ng buhay habang may lubid na nakatali sa leeg sa pinagtatrabahuan nitong construction site.