CAGAYAN DE ORO CITY-Nahukay ng mga residente ang kalansay ng dalawang tao sa taniman ng mais sa Sitio Patpat, Brgy Lumbia nitong lungsod.

Sinabi ni Lumbia Police Station commander Capt Valentines Baja na posible umanong noon pang dekada 80 nailibing ang mga kalansay sa nasabing lugar.

Hindi pa matumbok ng mga otoridad kung ano ang ikinamatay ng mga ito.

Itinurn-over na ang mga buto sa Barangay upang madasalan sa simbahan at mabigyan ng disenteng libing.