CAGAYAN DE ORO CITY – Nagpahayag ng babala ang Department of Education hinggil sa epekto ng mataas na heat index at haze sa mga paaralan.

Ayon kay Doc Mark Miso, Medical Officer ng DepEd, ipinagbabawal muna ang outdoor activities ng mga nars, guro, at 10–15% na estudyante sa ARAL Program tuwing umaga at tanghali.

Pinayuhan din ang lahat na magsuot ng face mask upang makaiwas sa sakit sa baga at puso. Giit ng DepEd, mahalaga ang pag-iingat upang mapanatili ang kalusugan ng mga mag-aaral at guro sa gitna ng matinding init at polusyon.

Dagdag pa nila, patuloy na mino-monitor ang sitwasyon upang makapagbigay ng tamang gabay sa mga paaralan.

Nanawagan din ang ahensya sa mga magulang na suportahan ang mga hakbang pangkalusugan para sa kaligtasan ng kanilang mga anak.