CAGAYAN DE ORO CITY – Nagpatupad ng mas mahigpit na seguridad ang Department of Education (DepEd) Region 10 sa mga paaralan sa Northern Mindanao bilang tugon sa lumalalang banta ng krimen at pamamaril.
Ayon kay Chief Education Supervisor Dr. Ricardo Dragon, gagamitin ang mga metal detector, CCTV cameras, at aayusin ang perimeter fence upang masiguro ang kaligtasan ng mga guro at mag-aaral.
Giit niya na mahalaga ang mga hakbang na ito upang maiwasan ang anumang insidente na maaaring magdulot ng takot sa komunidad.
Nanawagan din si Dragon sa mga barangay at lokal na pamahalaan na magdagdag ng mga guwardiya sa paligid ng mga paaralan bilang dagdag na proteksyon.
Dagdag pa niya, ang pakikipagtulungan ng mga lokal na awtoridad ay susi upang maging epektibo ang pagpapatupad ng seguridad.
Sa huli, tiniyak ng DepEd Region 10 na patuloy nilang babantayan ang sitwasyon upang mapanatili ang kapayapaan at kaligtasan sa mga institusyong pang-edukasyon.











