CAGAYAN DE ORO CITY – Ipinahayag ni Rep. Chel Diokno na lumabas sa testimonya nina Gina Acosta at Limuel Ortonio ang direktang kaugnayan ni Bise Presidente Sara Duterte sa kontrobersyal na confidential funds.
Ayon sa kanya, alam mismo ng Bise Presidente hindi lamang ang pagpapatupad kundi pati ang pagpaplano at pag-liquidate ng pondo. Itinuturing ni Diokno na malaking ebidensiya ito para sa nagpapatuloy na imbestigasyon.
Gayunman, binigyang-diin niya na ang lahat ng ebidensiya ay kailangang husgahan pa rin ng impeachment court.
Tiwala ang prosecution panel na mananaig ang katotohanan at handa silang magbigay ng karagdagang detalye para sa kalinawan ng publiko.











