CAGAYAN DE ORO CITY – Mariing tinutulan ni Oro Youth Development Council Representative Kyle Chester Javier Cotacte ang panukalang pagbabago sa iskedyul ng eleksyon.
Aniya, “8 billion wasted already if we will be moving it,” na tumutukoy sa malaking gastos na ₱8 bilyon na maaaring lumaki pa kung ipagpaliban ang halalan.
Hinimok niya si Representative Marcos, isang ekonomista, na suriin nang mabuti ang cost-benefit analysis ng desisyon.
Giit ni Cotacte, hindi makakatipid ang bansa sa paglipat ng eleksyon dahil mas malaki ang magiging gastusin ng gobyerno.











