CAGAYAN DE ORO CITY – Sa paunang imbestigasyon, natukoy na empleyado mismo ng DENR-MGB 10 ang utak sa pagkawala ng dump truck na may 886 sako ng mineral ores.

Ayon kay PRO-10 spokesperson Major Joann Navarro, ipinasok ang kontrabando sa compound noong Agosto 30.

Tinatayang ₱7 milyon ang halaga ng mineral ores na nakumpiska sa Manticao, Misamis Oriental noong Hulyo 3.

Giit ng informant, galit ang mga may-ari mula Davao de Oro matapos makumpiska ang kanilang minerals kahit pa sila’y nagsuborno.

Dagdag pa ng pulisya, patuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang lawak ng operasyon. Inaasahan na masusampahan ng kaukulang kaso ang mga sangkot sa anomalya.