CAGAYAN DE ORO CITY – Nilinaw ni Acting City Information Officer Jade Adeser na peke at inedit lamang ng hindi kilalang tao ang kumalat na infographics tungkol sa umano’y dalawang araw na suspensyon ng klase sa Cagayan de Oro.
Wala pang bagong deklarasyon si Mayor Klarex Uy habang nagpapatuloy ang konsultasyon sa Local Health Board, School Board, at DepEd kaugnay sa heat index na umabot na sa 42°C.
Posibleng ibigay sa mga school head ang kapangyarihang magdesisyon sa pagtigil ng klase.











