CAGAYAN DE ORO CITY – Hiniling ni Dr. Jean Lindo na palitan ng restorative at transformative justice ang nakasanayang parusa sa mga kabataang gumagawa ng krimen gaya ng pamamaril sa paaralan.

Batay sa mga pag-aaral, ang critical thinking ay nabubuo lamang sa edad na 20, kaya’t hindi dapat ituring na katulad ng matatanda ang mga menor de edad.

Dagdag pa niya, dapat alisin ang access ng kabataan sa armas, iwaksi ang kultura ng karahasan sa pamamagitan ng human rights education, at tugunan ng pamahalaan ang kakulangan sa pasilidad sa mga paaralan na ugat ng problema.