Ipinunto ni House Prosecution Panel Member at House Deputy Speaker Janet Garin na hindi sapat na protektahan lamang ang identidad ng mga informant kapag gumagamit ng confidential funds.
Sa eksklusibong panayam ng BOMBO RADYO CDO, sinabi niya na kahit itinatago ang pagkakakilanlan ng mga pinagmumulan ng impormasyon, kailangan pa ring may malinaw na output o resulta ang paggamit ng pera ng gobyerno.
“Confidential fund siya in the sense nga ang imong mga informant, ang imong mga source of information tagaan nimog proteksyon… pero naa ka dapat output, dili pwede nga confidential ang output,” ayon kay Garin.
Ipinaliwanag ng mambabatas na ang perang ginagamit ay mula sa buwis ng mga mamamayan gaya nina Juan at Maria dela Cruz.
Kaya’t dapat may konkretong accomplishment mula sa inilabas na pondo. Kung walang malinaw na resulta, hindi makatarungan na ipagpatuloy ang pagtatago ng datos hinggil dito.
Ayon pa sa kanya, ang accountability at transparency ang pangunahing prayoridad sa naturang isyu.











