CAGAYAN DE ORO CITY – Hinamon ng grupong Hakbang ng Maisug si Pangulong Bongbong Marcos na agad maghain ng urgent bill kaugnay ng kanyang pangakong alisin ang power systems loss sa bayarin ng kuryente sa bansa.
Ito ay matapos igiit ng pangulo sa kanyang SONA na hindi dapat magdusa ang mga konsumer dahil sa kapalpakan ng mga power distribution utilities.
Ayon kay convenor Atty. Vic Rodriguez, nananatiling kwestyonable ang sinseridad ng pangulo dahil hindi man lamang nito nasuspinde ang mataas na buwis sa produktong petrolyo noong sumiklab ang kaguluhan sa Middle East.
Giit ng grupo, kongkretong aksyon at batas ang kailangan upang matiyak na hindi na ipapasa sa taumbayan ang dagdag singil mula sa systems loss.











