CAGAYAN DE ORO CITY -Binatikos ni heritage consultant Ryan Albert Ignatius Sanchez ang patuloy na pagkakamali at korapsyon sa bansa sa kabila ng paggunita sa Araw ng mga Bayani.
Aniya, bigo ang mamamayan na matuto mula sa pakikibaka ng mga bayani tulad nina Jose Rizal at Andres Bonifacio.
Dagdag pa niya, ang sistemang abusado at korap na kanilang nilabanan ay nananatili at mas lumala pa sa kasalukuyan. Nanawagan siya na ipagpatuloy ang pakikibaka para sa isang maayos na lipunan.











