CAGAYAN DE ORO CITY – Ipinaliwanag ni Cagayan de Oro City Information Officer Jade Adeser na alas-singko ng madaling araw sisimulan ang civic-military parade para sa inaabangang fiesta celebration ng lungsod, ngayong Agosto 27.

Ang pagbabago sa oras ay ginawa upang matapos ang parada bago tanghaling tapat at maprotektahan ang mga kalahok laban sa matinding init.

Dahil sa mataas na heat index, binigyang-diin ni Mayor Klarex Uy ang panganib nito sa kalusugan ng mga bata at contingents.