CAGAYAN DE ORO CITY -Kinondena ng rights group na iDEFEND ang ginawang party sa Malacañang habang halos tatlong linggo nang nagdurusa sa baha ang Metro Manila at Central Luzon.

Ayon kay Spokesperson Judy Pasimio, imbes na magpakasaya, dapat seryosong tugunan ng Pangulo ang ugat ng pagbaha.

Giit niya, 85 porsiyento ng mga kalsada ay sementado at patuloy na nasisira ang Sierra Madre dahil sa mga proyekto ng malalaking korporasyon.

Kung hindi kikilos ang pamahalaan, patuloy na magdurusa ang mga lungsod at lalawigan sa matinding pagbaha tuwing umuulan.