CAGAYAN DE ORO CITY-Kinumpirma ng pulisiya ang pakikiisa ng ilang Maranao-muslim sa traslacion ng Black Nazarene sa Iligan City kahapon.

Sinabi ni Iligan City Police Office Spokesperson Major Jovanni Cabusas na nagpapakita lamang ito ng pagkakaisa ng mga kristiyano at mga kapatid nating muslim.

Ipinapakita din umano ng mga Maranao ang pagbigay respito sa taonang tradisyon ng mga kristiyano.

Maging ang mga lumad na may sariling paniniwala at kultura, ay nakiisa rin.

Ayon kay Cabusas, naging matiwasay ang traslacion na nilahukan ng mahigit dalawang libong deboto.

Aniya, wala ring naitalang insidente at hinimatay na mga deboto.