CAGAYAN DE ORO CITY- Ipinaliwanag ni Atty. Antonio Soriano, convenor ng Citizens Watch for Good Governance, na hindi dapat labis na pagtalunan ang legalidad ng impeachment proceedings na kinakaharap ni Bise Presidente Sara Duterte sa Senado.

Aniya, bahagi ng layunin ng proseso ang pagtukoy kung tunay na nawaldas o nabulsa ng Bise Presidente ang confidential at intelligence funds na ipinagkaloob sa kanya.

Giit ni Soriano, ang kasong kinakaharap ni VP Sara ay hindi katulad ng kasong kriminal na mahigpit na sinusunod ang mga tuntunin ng batas bago ito hatulan ng hukuman.