CAGAYAN DE ORO CITY – Ipinanawagan ng Kabataan Partylist sa pamamagitan ni Cobbie Jan Canda ang pagtigil sa paggastos ng ₱8.1 bilyon na pondo para sa NTF-ELCAC dahil sa kakulangan ng transparency at panganib na magamit ito sa korapsyon ng ilang militar.

Ayon kay Canda, sa halip na magdala ng seguridad, ginagamit ang pondo sa surveillance, pang-aabuso, at pananakot sa mga progresibong grupo, gaya ng nangyari sa Southern Mindanao Region.

Binatikos din niya ang kawalan ng malinaw na accomplishment ng ahensya sa kabila ng malaking pondong ibinibigay sa mga barangay na sinasabing insurgency-free.

Naniniwala ang lider na mas nararapat ilipat ang pondo sa edukasyon at mga programang makakatulong sa krisis pang-ekonomiya ng bansa.