CAGAYAN DE ORO CITY- Ipinahayag ni Barangay 23 Kapitan Jaime Joshua Frias II na mas matibay na ngayon ang dahilan ng Kongreso para ipagpaliban ang Barangay at SK Elections hanggang Nobyembre 2028.

Ayon sa kanya, mahigit 60 hanggang 65 na mambabatas na kabilang sina Cong. Yevgeny “Bambi” Emano at Cong. Lordan Suan ang sumusuporta sa panukala.

Dagdag pa niya, tumaas ang gastusin ng Comelec dahil sa epekto ng tensyon sa pagitan ng Iran at US na nagpamahal sa presyo ng langis, kaya’t malaki ang posibilidad na maaprubahan ang batas at hindi mababaligtad ng Korte Suprema.